Ang Anime, Ghost Fighter at Hunter X Hunter
Alam nyo ba ang Ghost Fighter (GF)? Ang GF ay ang tagalog version ng Yu Yu Hakusho (YYH). Ang mga characters na sina Yusuke (Eugene), Kuwabara (Alfred), Hiei (Vincent), at Kurama (Dennis) ay nagsasanib puwersa para malabanan ang mga masasamang multo at mga halimaw. Kung iba ang tatanungin tungkol sa ibang title ng tagalog version ng Ghost Fighter, mas mainam ang Maligno Fighter dahil tamang – tama! Maligno rin ang tawag ng iba sa mga multo ngunit mas magandang pangalan ang GF. Ang Hunter X Hunter (HXH) ay isa rin sa mga gawa ni Yoshihiro Togashi na asawa naman ng author ng Sailormoon na si Naoko Takeuchi. Tiyak kaya nagkatuluyan sila dahil parehong silang author ng manga (Japanese word for comic book) at ng anime.
Napapansin nyo ba na ang mundo nila Gon ay parang pinagcombine na mundo nila Eugene at mundo ng mga halimaw? Sa mundo kasi nila Eugene mayroong mga tao, kotse at mga building samantalang sa mundo ng mga halimaw iba-iba ang sulat, may high-tech gadgets din, at syempre hindi rin mawawala ang pinakaimportanteng elemento kundi ang mga halimaw.
Noong pinanood ko ang GF, natapos ko ito hanggang huling episode sa maikling panahon. Kaya ko pinanood ang HXH dahil ang mga main characters na sina Gon, Killua, Leorio at Kurapika ay parang mga reincarnated na kaluluwa ng mga bida ng YYH. Sa mga unang episodes ng YYH , Saan ka ba nakapanood na sa unang episode pa lang eh namatay na kaagad ang bida? Feeling mo ang boring pero sa bandang gitna hanggang huli eh ang ganda!
Paminsan ang astig ng mga kanilang naiiisip. Hindi lang sila puro laban. Kung may laban, maeelibs ka at maiintindihan mo ang kanilang mga pinagkakagawa tulad noong pagtanggap ni Eugene ng unang misyon galing kay Koenma (Master Jericho), hunter exam at iba pa. Sa HXH maganda ang takbo ng storya pero hindi ko alam kung magiging maganda ito hanggang huli.
Ang haba talaga ng HXH! Anim na taon na hindi pa rin tapos! Pero ayos lang dahil halatang pinaghahandaan niya at pinagaganda niya ang kuwento ng HXH basta huwag lang masyadong mahaba tulad ng Dragonball Z dahil tuluy – tuloy ang storya ng HXH parang nag-aabang ng telenovela.
Bihira na ako makakita ng mga bagong magagandang anime ngayon dahil ang mga characters ay gasgas at pangkaraniwan na lang. Pati ibang parte ng storya eh ginaya na lang sa ibang anime. Mayroon din bagong anime na gusto ko pero mas kaunti na lang sa lima hindi tulad ng dati. May mga problema rin sa mga ibang anime tulad ng sa Slam Dunk, naging favorite ko ito ngunit minsan, three point shot lang eh inabot na ng 30 minutes o isang buong episode. At naiinis ako dahil nagtataka ako kung bakit sinasabi pa ng mga kalaban ang mga powers nila habang nakatunganga ang mga bida eh tuloy! Nalaman na ng mga bida kung paano sila tatalunin.
Balik naman tayo sa HXH at YYH.
Noong hindi ko pa napapanood ang HXH, akala ko parang mala GF o DBZ ang opening yung pinapakita na kaagad ang mga kalaban at mga kapangyarihan nila ngunit noong napanood ko ito, simple lang ang opening song pero maganda naman. Ano kaya kung pagpalit – palitin natin ang mga powers nila, kay Gon ang reigun, kay Leorio naman ang espiritwal na espada, kay Kurapika ang rose whip at kay Killua naman ang black dragon spirit di ba ang saya?!!
Astig!!!! kung ang makakalaban nila Eugene ay ang Geneiryodan dahil pareho na silang malalakas at matatanda na!!. Saan ka ba nakakakita ng lalake na babae pa, halimaw pa! Si Dennis lang yon!
Tama nga si Bob Ong mas maganda ang mga anime superheroes (Walang ganyan sa states!...) at mga sentai tulad ng Maskman, Fiveman, Jetman at iba pa kaysa sa mga American superheroes na kung manamit ay mukhang siraulo, palaging nakatights, nauuna ang brief pero maluwag at hindi matino kaya pa nila sinisinturunan…Buti pa raw ang costume ni Eugene ay parang lang aattend ng rave party kaysa naman kay Superman na parang aattend ng aerobics class. The best pa rin ang anime! Sabi niya may teamwork pa raw at organized kung sino ang pupuwesto sa gitna, sisipa sa kanan, kaliwa at sinong susungayan sa ulo. Systematic daw parang class picture..Sana magkaroon ng YYH at HXH crossover movie kung maganda ang magiging ending ng HXH.
Kung sino ang may balita tungkol sa Chapter 224 at mga latest tungkol sa Hunter X Hunter, lyrics ng G.I. Final at mp3 song ng tagalog version ng Maskman, paki – email me sa henyongsakuragi2000@yahoo.com
Salamat!!!!
WANT TO POST FANFICS? SEND IT
© Henyong Sakuragi. Quezon City Philippines. Webmistres::: Dimsum:::